Suunto 致力于使本网站达到 Web 内容可访问性指南 (WCAG) 2.0 所定义的 AA 级一致性,同时确保符合其他可访问性标准。如果您在访问本网站信息时遇到任何问题,请联系我们的客户服务人员,联系方式:美国 +1 855 258 0900(免费)。

Suunto Aqua Gabay sa User

Pagsusuri ng talon

Ang function na Pagsusuri ng talon ay nagbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa lakas ng ibabang bahagi ng iyong katawan at sa iyong neuromuscular fatigue.

Para suriin ang iyong neuromuscular fatigue, isuot ang iyong headphones, i-enable ang Pagsusuri ng talon sa Suunto app, at sundin ang mga tagubilin. Upang i-track ang neuromuscular fatigue sa buong panahon ng pagsasanay, una, kailangan mong buuin ang iyong baseline ng talon upang matanggap ang paunang data. Maaari mong i-track ang iyong progreso sa paglipas ng panahon batay sa data ng baseline. Inirerekomenda ng Suunto na buuin mo ang baseline ng talon kapag nasa mabuting pisikal na kondisyon ka.

Upang buuin ang iyong baseline ng talon:

  1. Isuot ang iyong headphones at buksan ang Suunto app sa iyong telepono.
  2. I-enable ang Pagsusuri ng talon sa app.
  3. Tumayo nang komportable at ilagay ang iyong mga kamay sa iyong balakang bago tumalon. Panatilihing nakalagay ang iyong mga kamay sa iyong balakang sa panahon ng test.
  4. Mag-squat nang mabilis at tumalon nang mataas hangga't posible habang nakaunat ang pareho mong binti sa ere.
  5. Lumapag sa mismong lugar kung saan ka nagsimulang tumalon.
  6. Kapag nakita mo sa Suunto app na narekord ang talon, pindutin ang Next (Susunod).
  7. Ulitin ang ika-4 at ika-5 hakbang nang tatlong beses upang kumpletuhin ang test.

Kapag nakumpleto na ang test, maaari kang gumawa ng report at maaari mong i-save ang iyong data sa Suunto app.

Regular na kumpletuhin ang pagsusuri ng talon upang i-track ang iyong progreso at tingnan ang status ng iyong fatigue at pag-recover. Ipapakita ang mga resulta ng pagsusuri sa pamamagitan ng mga graph sa menu ng Pagsusuri ng talon sa Suunto app.

目录