Suunto 致力于使本网站达到 Web 内容可访问性指南 (WCAG) 2.0 所定义的 AA 级一致性,同时确保符合其他可访问性标准。如果您在访问本网站信息时遇到任何问题,请联系我们的客户服务人员,联系方式:美国 +1 855 258 0900(免费)。

Suunto 3 Gabay sa User

Mga pangkontrol ng media

Puwedeng gamitin ang iyong Suunto 3 para kontrolin ang musika, podcast, iba pang media na pini-play sa iyong telepono o kina-cast sa isa pang device mula sa iyong telepono. Naka-on ang mga pangkontrol ng media bilang default pero puwedeng i-off sa ilalim ng Settings » Media controls.

PAALALA:

Kailangan mong ipares sa iyong telepono ang iyong relo bago mo magamit ang Media controls.

Para ma-access ang mga pangkontrol ng media, pindutin ang gitnang button mula sa watch face o, habang nag-eehersisyo, pindutin ang gitnang button hanggang sa makita ang display ng pangkontrol ng media.

Sa display ng pangkontrol ng media, ang mga button ay may mga ganitong function:

MediaControls

  • I-play/I-pause Kanang button sa itaas
  • Susunod na track/episode: Kanang button sa ibaba
  • Nakaraang track/episode: Kanang button sa itaas (matagal na pagpindot)
  • Volume:Kanang button sa ibaba (matagal na pagpindot), bubuksan nito ang mga pangkontrol ng volume
    • Sa display ng mga pangkontrol ng volume, ang kanang button sa itaas ang pampalakas ng volume at ang kanang button sa ibaba ang pampahina. Pindutin ang gitnang button para bumalik sa display ng pangkontrol ng media.

Pindutin ang gitnang button para lumabas sa display ng pangkontrol ng media.

目录